Thursday, April 06, 2006

Political candidates sa bahay ni kuya?

Ano kaya kung ang ating mga political candidates tulad ng for president, for vice o for anuman na binoboto ng mga tao sa politica ay ipasok muna sa bahay ni kuya bago mag botohan? (parang bang Political Edition)
At least, makita natin kung ano ang nasa loob ng mga ito. At ma test na rin kung effective nga ba itong bahay ni kuya, kung applicable ba sya na gamiting tool para sa nominasyon. Paano kaya nila ieevict ang isat-isa? Paano kaya ni kuya mapagsasabihan ang mga to'. Di' kaya si kuya ang sumuko dito?
Candidate for Barangay captain, pumasok ka sa confession room. Tanod, siguraduhing walang makakapasok na Ninja. Kagawad, ayusin ang lapel at makinig sa hudyat.
For president, ayusin ang daily task wag ipasa sa vice at baka magpasapasa at maipasa sa Ninja. Hindi ito basketball mga house mates. E shoot mo e shoot mo e shoot mo na ang ball. Yan ang soundtrack ninyo. Gawan ninyo na lang ng steps. Para makapag release tayo ng bagong CD.

1 Comments:

At 3:20 AM, Blogger tagabulod said...

ano kaya kung c george bush tapos c bin laden mglaog man sa bahay ni kuya?

 

Post a Comment

<< Home